Komedyanteng si Babajie, pumanaw sa edad na 35

2964
Image from Facebook/Queen Babajie Cornejo

Pumanaw na ang komedyanteng si Babajie, o Alfredo Cornejo Jr. sa totoong buhay, nitong Lunes. Siya ay 35 taong gulang.

Batay sa ulat ng GMA News, binawian ng buhay ang celebrity pasado alas-3 ng hapon sa San Lazaro Hospital dulot ng tuberculosis at malnutrition.


Nakaratay ito sa pagamutan simula pa noong Abril 25 dahil sa iniindang karamdaman.

Lumalabas noon sa comedy gag show na “Bubble Gang” si Babajie na nakilala dahil sa mahaba niyang baba.

Huling napanood ang komedyante sa programang “Kapuso Mo, Jessica Soho” kung saan naitampok ang kuwento niya at pagiging magkaibigan nila ng Italian model na si Ciro Tarallo.

Nakaburol ang labi ni Babajie sa kanilang tirahan sa Malibay, Pasay City.



Sa ngayon ay inaayos pa ng pamilya ang detalye ng libing ng komedyante.


Facebook Comments