Jose Manalo, inabsuwelto ng Court of Appeals

Tuluyan nang inabswelto ng Court of Appeals ang komedyante na si Jose Manalo sa “civil liability” kaugnay ng malaking pagkakautang ng kanyang dating misis na si Annalyn.

Sa resolusyon ng CA, pinanindigan nito ang desisyon na nagsasabing walang pananagutan si Manalo sa P50 million deal na pinasok ni Annalyn at negosyanteng si Froilan Clemente Jr.

Ikinatwiran ng CA na hindi pumirma si Manalo sa compromise agreement at Tanging si Annalyn ang may lagda sa kasunduan.


Lumabas din sa pagsisiyasat na walang permiso o hindi signatory ang komendyante sa kasunduan.

Batay sa kasunduan, nangako si Annalyn na magbabayad sila ni Manalo “jointly” ng P50 million pesos kay Clemente.

Facebook Comments