Komedyanteng sina Michael V. at Donita Nose, gumaling na sa COVID-19

170

Gumaling na matapos tamaan ng COVID-19 ang mga komedyanteng sina Michael V at Donita Nose.

Sa kaniyang latest vlog sa Youtube, in-announce ni Bitoy na magaling na siya at natapos na rin niya ang kaniyang quarantine.


Isang drawing din ang ipinost ni Michael V sa kaniyang Instagram bilang pagkilala sa dedikasyon at sakripisyo ng ating mga medical frontliners.

Samantala, nakalabas naman na sa ospital ang tv host na si Donita Nose, ilan linggo matapos itong magpositibo sa virus.

Isang video ang pinost ng komedyante sa instagram na nagpapakita ng pagdischarged nito sa ospital at pagpapasalamat nito sa mga tumulong sa kaniyang tuluyang paggaling.

Facebook Comments