Komisyon na susuri sa performance ng sektor ng edukasyon, inaprubahan ng Bicameral Conference Committee

Inaprubahan na ng Bicameral Conference Committee ang panukalang batas na lilikha ng ikalawang Congressional Commission on Education o EDCOM2.

Sa ilalim nito, magsasagawa ang EDCOM2 ng komprehensibong assessment at evaluation sa sektor ng edukasyon para makapagrekomenda ng mga reporma.

Rerepasuhin din dito ang performance ng Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).


Ang EDCOM2 na bubuuin ng limang senador at limang kongresista ay isinulong dahil sa pangungulelat ng Pilipinas sa tatlong international assessment noong 2018 at 2019.

Nauna nang itinatag ang EDCOM1 noong panahon pa ni dating Senate President Edgardo Angara.

Facebook Comments