Komisyon na tututok sa Benham rise, pinabubuo ng kamara

Manila, Philippines – Hiniling ni Magdalo Rep. Gary Alejano na magtatag ng development commission para sa Benham Rise kasunod ng napaulat na pagpasok dito ng survey ship ng China.
 
Sa ilalim ng House Bill 5318 ay pinasisimulan agad ng gobyerno ang development commission ng Benham Rise para pakinabangan ng buong bansa ang yaman nito.
 
Ipapasailalim ang komisyon sa Office of the President na bubuuhin ng tatlong opisyal.
 
Pero may katuwang ito na national panel ng technical experts at advisory panel mula sa sampung kagawaran ng gobyerno na tutulong sa pagbuo naman ng regulasyon at polisiya para sa Benham rise.
 
Ang sovereign rights sa Benham Rise ay iginawad sa Pilipinas noon pang 2012 at pinaniniwalaang mayaman sa langis at gas,  yamang dagat at iba pang minerals.

RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila, Conde Batac

Facebook Comments