Naniniwala si Pangasinan Fourth District Representative Christopher de Venecia na babawiin ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang kanilang kautusang nagbabawal sa ilang libro na naglalaman umano ng subersibong konteksto.
Sinabi ito ni de Venecia sa plenary deliberation para sa pondo ng komisyon kung saan nagpahayag ng commitment ang KWF sa kanilang maling gawain at inaasahang ibabasura ang naturang resolusyon upang mapantili ang malayang pagpapahayag sa bansa.
Dagdag pa nito, hindi sakop ng mandato ang KWF ang naturang hakbang base na rin sa pahayag ni KWF chairperson Arthur Casanova.
Sa ngayon, tatlong commissioners na ang nagbawi ng kanilang pirma sa naturang kautusan at inaasahang magpupulong ang KWF board sa Sabado, September 24 upang pag-usapan ito.
Mababatid na kinalampag ng ilang grupo at maging ang ilang mambabatas ang naturang kautusan kung saan nilalabag nito ang karapatan ng malayang pagpapahayag.