Komisyon sa Wikang Filipino, bubuo ng ad hoc committee upang rebyuhin ang mga librong naglalaman ng umano’y subersibong konteksto

Bubuo na ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ng ad hoc review committee upang suriin ang nilalaman ng limang libro na inilarawan ng komisyon bilang ‘subersibo’.

Ayon kay KWF Chairperson Arthur Cassanova, kabilang sa bubuo sa naturang komite ay mga manunulat, kinatawan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) at mga KWF commissioner.

Inaasahang mabubuo ito bago matapos ang buwan ng Agosto.


Una nang nanawagan ang ilang grupo at mambabatas na ibasura ang memorandum ng KWF na nagbabawal paglathala at pamamahagi ng ilang libro dahil sa naglalaman ito ng mga ideolohiya na tumutuligsa umano sa gobyerno.

Facebook Comments