Komisyon sa Wikang Filipino, hinimok na rebyuhin ang polisya nito hinggil sa pag-ban sa mga librong naglalaman umano ng supersibong konteksto

Nanawagan ang Commission on Human Rights (CHR) sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na rebyuhin nito ang pag-ban sa ilang libro na naglalaman umano ng kontekstong supersibo at tumutuligsa sa gobyerno.

Ayon kay CHR Executive Director Atty. Jacqueline de Guia, dapat silipin ng KWF ang kanilang polisiya kasama ang ilang stakeholder at pagsusuri pa nang maigi ang mga nilalaman ng mga naturang publication.

Dagdag pa ni de Guia, dapat maging maingat ang KWF sa interpretasyon nito sa batas at hindi dapat sagasaan ang ilang karapatan katulad ng freedom of expression at freedom of speech.


Nilinaw naman ni KWF Commissioner Benjamin Mendillo na ang naturang memorandum ay hindi nagbabawal o nag-uutos na i-pullout ang mga naturang libro bagkus ay nag-uutos lamang na ipagbawal itong ipamahagi sa mga paaralan.

Samantala, sinabi ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman na walang kapangyarihan ibinigay sa KWF upang magbawal at mag-censor ng mga librong nailathala sa Wikang Filipino alinsunod sa Republic Act No. 7104 o ang batas na nagbubuo sa naturang komisyon

Mababatid na naglabas ng internal memorandum ang KWF na nagtitigil sa pag-imprenta at distribusyon ng limang libro na naglalaman ng mga kontekstong tumutuligsa sa gobyerno upang maiwasang lumabag ang komisyon sa Anti-Terrorism Act.

Facebook Comments