Nirerebyu na ngayon ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang memorandum na piniramahan ng dalawang komisyoner kaugnay sa pagbawi at pagtigil sa paglathala ng limang libro na di umano’y naglalaman ng subersibong konteksto.
Ayon kay KWF chairperson Arthur Casanova, hindi siya na-inform hinggil sa anumang pagpupulong ng mga commissioners hinggil sa pag-isyu ng naturang kautusan.
Iginiit din ni Casanova na walang kapangyarihan ang KWF upang mag-ban at mag-censor ng mga kasulatang nailimbag sa wikang Filipino.
Pinabulaanan din ng opisyal ang mga akusasyong pinayagan niya ang pag-imprenta ng mga naturang libro.
Sinabi rin ni Casanova na dumaan ito sa masusing pagrerebyu at sa katunayan ay inaprubahan ng mga komiteng pinamamahalaan nina Commissioner Carmelita Abdurahman at Benjamin Mendillo Jr.