Komite, binuo ng PACC para imbestigahan ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan

Bumuo ang Presidential Anti- Corruption Commission ng isang Ad hoc committee na syang naatasang magsagawa ng lifestyle check laban sa mga corrupt officials ng pamahalaan.

Ayon kay PACC Commissioner Greco Belgica ang “Project Usig” ay bubuuin ng PACC, NBI CIDG, NICA at AMLC.

Sinabi ni Comm. Belgica na dadaan sa tamang proseso ang pagsasagawa ng imbestigasyon laban sa umano’y mga tiwaling opisyal ng pamahalaan at kalauna’y sasampahan nila ng reklamo


Tiniyak din ni Belgica na wala silang sisinuhin sa pagsasagawa ng imbestigasyon pero kanila ring pupurihin at paparangalan ang mga ahensya ng pamahalaan na gumagampan ng mabuti sa kanilang mandato.

Inaasahang dalawa hanggang tatlong buwan ilalabas ng PACC ang resulta ng kanilang imbestigasyon.

Facebook Comments