
Bumuo ang Senado ng subcommittee para sa Senate Committee on Civil Service, Government Reorganization and Professional Regulation na pinamumunuan ng nagtatagong si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Lumikha ng subcommittee para makausad na ang mga nakabinbin na mga panukalang batas na kailangang dinggin ng komite.
Si Senator Chiz Escudero ang itinalagang Chairman ng subcommittee.
Sinabi ni Senate Majority Leader Migz Zubiri na mismong ang chairman ng main committee na si Dela Rosa ang humiling na lumikha ng subcommittee at sa pagpili rin kay Escudero.
Hindi naman dinetalye kung paano naiparating ang request ni Dela Rosa.
Samantala, una naman sa didinggin ni Escudero sa subcommittee ang inihaing panukala na nagbabawal sa sinomang may kamag-anak na opisyal sa gobyerno na pumasok sa kontrata ng pamahalaan.










