Komite sa Kamara na mag-iimbestiga sa OCTA Research team, tiniyak na magiging patas

Tiniyak ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Michael Aglipay na magiging patas siya sa proseso ng imbestigasyon sa OCTA Research Philippines.

Ang reaksyon ni Aglipay ay kasunod ng pagtuligsa ni Senator Richard Gordon sa gagawing imbestigasyon ng Kamara sa OCTA Research team na kaniyang tinawag na isang kalokohan.

Ayon kay Aglipay, bilang chairman ng komite, hindi niya huhusgahan ang motibo ng OCTA Research team ng may-akda o ang merito ng subject ng imbestigasyon.


Aniya, tatayo siya bilang judge o prosecutor ng komite na magdedesisyon batay sa findings at rekomendasyon sa pamamagitan ng committee report.

Facebook Comments