KOMOSYON SA BRGY. STA. ROSA, LAOAG CITY, PATULOY NA INIIMBESTIGAHAN

Patuloy pang iniimbestigahan ng Laoag City Police Station ang nangyaring komosyon sa Barangay Sta. Rosa, Laoag City kung saan nabaril ang isang lalaki matapos umanong lumaban sa mga pulis.

Ayon kay Police Captain Rogelyn Ibe, Deputy Chief of Police ng Laoag City, hindi muna pinapayagang makapag-duty ang pulis na nakabaril habang iniimbestigahan ang insidente.

Dagdag pa niya, nasa ilalim ng restriksyon ang nasabing pulis dahil sa kaso.

Ipinaliwanag din ni Ibe na hinihintay pa nila ang magiging aksyon ng Internal Affairs Service ng PNP na magsasagawa ng masusing pagsusuri sa insidente.

Samantala, inaabangan pa rin ang magiging desisyon ng pamilya ng biktima na makaaapekto sa pagpapatuloy ng kaso.

Facebook Comments