Kompanya ng mga Discaya, nakakuha ng nasa P3-B flood control projects sa Maynila

Kinumpirma ni Manila Mayor Isko Moreno na nagkaroon din ng bilyun-bilyong pisong kontrata sa lungsod ang mga kompanyang pag-aari ng mga Discaya.

Sa pulong balitaan ngayong Huwebes ng hapon, sinabi ng alkalde na nasa humigit kumulang tatlong bilyong piso ang halaga ng napuntang kontrata sa mga kompanya ng mga Discaya.

Sa ngayon, nagpadala na ng sulat ang lokal na pamahalaan sa mga contractor ng daan-daang flood control projects na tapusin ang mga obligasyon partikular ang mga buwis.

Aabot pa kasi sa mahigit dalawandaang milyong pisong halaga ng contractors tax ang hinahabol ng Manila Local Government Unit (LGU) sa mahigit 100 contractors na tumabo ng nasa 300 flood control projects sa lungsod mula 2022 hanggang 2025.

Sa isyu naman ng mga substandard o ghost flood control projects, handa raw makipagtulungan ang LGU sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Facebook Comments