Nakakuha si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng karagdagang investment pledges mula sa Japan.
Ito ay ang P1.1 bilyon investment pledges ng Japanese Company Toyota Motor Corporation na suporta ng Japan para sa isinusulong na Public Utility Vehicle Modernization program ng pamahalaan.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office (PCO), nangako ang mismong Executive Vice President ng Toyota na si Yoichu Miyazaki na mag-i-invest sa Pilipinas ng dagdag na P1.1-B hindi pa kasama ang naunang P4.4-B investment pledges sa roundtable discussion ng pangulo kasama ang Japanese business community.
Ito ay sidelines ng 50th Commemorative ASEAN-Japan Friendship and Cooperation Summit na ginawa sa Tokyo, Japan.
Matatandaang una nang sinaksihan ng pangulo ang pagpirma sa siyam na kasunduan sa Japan na nakatuon sa mutual cooperation gaya ng energy, infrastructure, manufacturing at iba pa na magbebenepisyo ang mga Pilipino.