Manila, Philippines – Agad tinutulan ni Senator Antonio Trillanes IV ang plano na itake-over ng pamahalaan ang kompanyang Hanjin dahil siguradong sa Davao group lang aniya ito babagsak.
Giit ni Trillanes, makabubuting ipaubaya na lamang sa mga bangko o mga professionals ang pagsagip sa kompanyang Hanjin na nagdeklara ng pagkalugi.
Bukod dito ay mariin din ang pagkontra ni Trillanes na mapunta sa Chinese company ang hanjin dahil siguradong magiging banta ito sa pambansang seguridad.
Paliwanag ni Trillanes, estratehiko ang lokasyon ng Hanjin sa Subic Bay, Zambales na dating base militar ng Amerika bukod pa sa mayroon din ditong submarine bay.
Kumbinsido si Trillanes na maari itong magamit ng China sa pagpapalawig ng impluwensya sa Southeast Asia.