Iginiit ni Navotas Representative Toby Tiangco na kasuhan at pagbayarin ang kompanyang may kagagawan ng pinsala sa Tangos-Tanza Navigational Gate.
Ayon kay Tiangco, nasira ang nabanggit na floodgate matapos bumangga dito ang isang barko na iginigiya ng tugboats.
Sabi ni Tiangco, tumindi ang pinasala ng pilit hilain ang nabanggit na vessel pagkatapos ng pagbangga kahit pumipigil ang mga personnel ng floodgate.
Nanggigil si Tiangco sa napakalaking perwisyong idinulot ng pagkasira ng floodgate dahil ito ang humaharang sa pagpasok ng tubig kapag high tide.
Ayon kay Tiangco, hindi sana nahihirapan ang mga Navoteño ngayon kung hindi nasira ang floodgate, dahil kakayanin ng 81 pumping stations na makontrol ang taas ng baha.
Bunsod nito ay nakikipag-ugnayan na si Tiangco sa Metro Manila Development Authority (MMDA) para sa pagsasampa ng kaso sa kompanya na nasa likod ng insidente.