Kinumpirma ng Food and Drug Administration (FDA) na nagpasa na ng aplikasyon ang American manufacter na Novavax ng emergency use authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccines sa bansa.
Ayon kay FDA Chief Eric Domingo, sa ngayon ay kulang pa ang kompanya sa mga kinakailangang dokumento.
Una nang ihayag ni Domingo na epektibo ang Novavax vaccine sa mas nakakahawang COVID-19 Delta variant at lumabas din sa pag-aaral na 93% ang effectiveness nito laban sa Alpha, Beta at Gamma variants.
Matatandaan noong Marso nang lumagda ang gobyerno ng bansa sa supply agreement sa Novavax para sa 30 milyong dose ng bakuna na inaasahang darating sa ikatlo o huling kwarter ng taon.
Facebook Comments