Marami pa ring medical workers na nagpositibo sa COVID-19 ang hindi pa nakukuha ang mga karampatang compensation mula sa gobyerno.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Philippine Nurses Association President Melbert Reyes na karamihan sa kanila ay noong nakaraang taon pa nang magpositibo sa COVID-19.
Sa ngayon aniya ay idinudulog na nila ito sa Department of Health (DOH) para mailabas na ang pondo lalo na’t nararapat lang naman ang mga ito para sa ating mga makabagong bayani.
Matatandaang kahapon ay ilang health workers mula sa iba’t ibang ospital ang nagtungo sa DOH para hilinging ibigay na ang kanilang allowance, Special Risk Allowance (SRA), at hazard pay.
Facebook Comments