Kompensasyon sa mga biktima ng giyera sa Marawi, inaasahang magpapabalik sa dating sigla ng syudad

Umaasa ang liderato ng Kamara na maibabalik sa dating kabantugan ang Marawi City kasunod ng pagiging ganap na batas ng Marawi Compensation Law.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, dahil sa bagong batas ay inaasahang maibabalik ang sigla at kagandahan ng syudad gayundin ang maayos na pamumuhay ng mga Maranao.

Dahil sa kompensasyong makukuha mula sa gobyerno ay umaasa rin ang House leadership na maibsan na ang paghihirap ng mga nasira ang ari-arian at nawalan ng mahal sa buhay dahil sa digmaan.


Tinawag naman ng speaker na “important legacy” ng Duterte administration ngayong 18th Congress ang Marawi Compensation Law.

Hiniling din ng House leadership sa mga susunod na lider ng bansa na tiyaking wasto ang pagpapatupad ng batas upang mabilis na makabangon ang Marawi.

Facebook Comments