Kompensasyon sa mga pasahero ng Cebu Pac na kasama sa mga nakansela ang flights, iginiit ng isang kongresista

Manila, Philippines – Umapela si Bagong Henerasyon Partylist Representative Bernadette Herrera-Dy na bigyan ng kompensasyon ang mga pasahero ng Cebu Pacific na kasama sa daan-daang nakanselang flights.

Ayon sa kongresista, systematic mismanagement ang nakikita nila sa naging kapabayaan ng airline at dapat na papanagutin dito ang Cebu Pacific.

Sinabi pa ng Lady Solon na siya ring may-akda ng Air Passenger Bill of Rights, tama lamang na mag-refund ang Cebu Pacific sa libu-libong pasahero pero kailangan pa ring bayaran ng kumpanya ang mga apektadong pasahero lalo na at nakapag-book na ng hotels at nag-absent sa kanilang trabaho ang mga ito.


Hindi bumenta sa mambabatas ang idinadahilang aircraft maintenance ng airline dahil bilang napakalaking kumpanya, dapat ay mayroon itong advanced management information systems at early warning systems.

Kaugnay nito ay pinakikilos ng kongresista hindi lang ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) kundi maging ang Securities and Exchange Commission (SEC) para magsagawa ng motu propio investigation sa napakalaking aberyang ito.

Facebook Comments