Nakapagtala ng ilang kaso ng African Swine Fever o ASF sa Brgy. Sablut, Balaoan, La Union ngayong Agosto base sa kompirmasyon ng Department of Agriculture Regional Field Office 1.
Dahil dito, agad nagpatupad ng striktong protocol ang lokal na pamahalaan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit sa ibang lugar.
Sa bisa ng kautusan, magsasagawa ng voluntary blood testing sa mga alagang baboy na nasa 500 meter radius at posibleng culling operation sa mga magpopositibo.
Maglulunsad din ng animal quarantine and checkpoint sa mga barangay, monitoring sa pamilihan at slaughterhouse, at temporary ban sa pagpasok at paglabas ng baboy sa loob ng tatlumpung araw.
Matapos ang kompirmasyon, nagpatupad na rin ng striktong pagmamando laban sa ASF ang mga karatig bayan ng Luna maging sa Bangar at Bacnotan.
Apela ng tanggapan ang striktong pagtalima ng publiko upang masawata ang sakit at hindi lubos mapuruhan ang industriya ng pagbababoy sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









