Komposisyon ng minorya sa Senado, tatalakayin pa

Tatalakayin pa ng ilang senador ang komposisyon o mga mambabatas na bubuo sa minorya sa Senado.

Ayon kay incoming Senator Bam Aquino, nag-uusap usap pa lamang sila nina Senators Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan tungkol dito.

Target nila na bago ang July 28 na siyang pagbubukas ng 20th Congress ay mas maging malinaw na ang mga bubuo sa minority bloc ng Mataas na Kapulungan.

Gayunman, sinabi ni Aquino na “fluid” pa o maaari pang magbago ang usaping ito.

Nilinaw ng mambabatas na kapag sinabing minorya ay hindi ibig sabihin nito na palaging kontra sa pamahalaan.

Sa huli naman aniya ay hindi importante kung anong grupo sila mapapabilang dahil mas mahalaga ang magtrabaho sila para sa taumbayan lalo’t nahaharap ang bansa at ang buong mundo sa maraming problema.

Facebook Comments