Babaguhin ng gobyerno ang komposisyon ng dating Task Force El Niño.
Sa ambush interview kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi nitong kailangang palawakin ang structure ng task force dahil sa inaasahang mas seryosong banta ng El Niño phenomenon.
Ayon sa pangulo, ang Task Force El Niño na nasa ilalim ng Office of the President ay bubuuin ng mas maraming ahensya upang mas maraming kumilos at maghanda para maibsan ang epekto ng matinding tagtuyot.
Pangungunahan ang task force ng Department of the Interior and Local Government katuwang ang Office of Civil Defense.
Dagdag pa ni Pangulong Marcos na binigyan nya ang mga opisyal ng DA at NIA ng apat na buwan para maipatupad ang mga proyektong tutugon sa El Niño.
Matatandaang sinabi ng DOST na 65 lalawigan sa buong bansa ang makararanas ng matinding tagtuyot pagsapit ng Mayo.