Nakatakdang ilabas ni Vice President Leni Robredo ngayong araw ang komprehensibong plano nito para resolbahin ang COVID-19 pandemic sa bansa.
Ayon kay VP Leni, nakabuo siya ng plano bunga tuloy-tuloy na konsultasyon sa mga health expert at mga ekonomista.
Aniya, hango ang solusyon sa aktwal na karanasan ng mga medical worker, mga empleyado at karaniwang pilipino na apektado ng pandemya.
Tiniyak naman ni VP Leni na hindi lang pangako ang kanyang mga plano dahil ilang beses na niyang napatunayan ang mga kaya niyang gawin sa ilalim ng malinis at maayos na pamamahala.
Inihalimbawa niya rito ang mga sinimulan niyang programa gaya ng libreng teleconsultation services sa Bayanihan E-konsulta, libreng COVID-19 testing sa Swab Cab, libreng shuttle services, dormitories, personal protective equipment (PPEs) para mga health workers at mga ospital at ang Community Learning Hubs para sa mga estudyanteng apektado rin ng pandemya.
Samantala, hinikayat ni VP Leni ang kanyang supporters na magsuot ng pink ngayong araw kasabay ang pagtulong at paggawa ng mabuti sa kapwa sa ilalim ng tinaguriang “KakamPINK Wednesday.”