Pinalilikha ni Senator Sherwin Gatchalian ang gobyerno ng komprehensibong programa para tugunan ang kakulangan sa suplay ng tubig ngayong nagpapatuloy pa rin ang epekto ng El Niño.
Matatandaang ilang lugar na sa bansa ang nagdeklara ng “state of calamity” matapos na masira ang mga pananim at magkaroon ng kakulangan sa suplay ng tubig dahil sa sobrang init.
Hinimok ng senador ang pamahalaan na magdevelop ng potensyal na water sources upang matugunan ang supply gap sa tubig lalo’t inaasahang magkakaroon ng kakulangan sa suplay sa buong mundo.
Unang inirekomenda ni Gatchalian ang paggamit sa Laguna de Bay bilang water source sa Metro Manila at sa mga karatig na lugar.
Bukod pa rito ay maaari ring i-explore ng pamahalaan ang iba pang pagkukunan ng tubig na reresolba sa posibilidad ng water shortage o kakulangan sa suplay ng tubig sa mga susunod na taon.
Iginiit ni Gatchalian na may El Niño man o wala ay hindi maitatanggi ang pangangailangan ng bansa sa karagdagang water sources.