Komprehensibong report ng CHR, naglalahad ng katotohanan ukol sa drug war

Iginiit ni Senator Leila de Lima na pawang katotohanan ang ipinapakitang komprehensibong report ng Commission on Human Rights (CHR) na nagsasabing may intensyon umanong pumatay ang mga otoridad sa ilalim ng gera kontra ilegal droga.

Ayon kay De Lima, ang CHR report ay umaayon sa report ng Reuters police killing squads sa drug war ng administrasyong Duterte.

Binanggit din ni De Lima ang report ng UN at ilang pang independent groups na nagpaplanta ng baril at ebidensya at ang pagpapalabas na nanlaban ang kanilang inaaresto.


Dismayado si De Lima na sa kabila ng nabanggit na mga pangyayari ay bigo pa ring makamit ang drug-free Philippines.

Sabi naman ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa, mula noong 2016 hanggang ngayong 2021 ay paulit-ulit na lang itong iniaakusa sa administrasyon lalo na at papalapit na ang 2022 elections.

Giit ni Dela Rosa, malinaw na propaganda lang ang report ng CHR kasabay ang hamon na dalahin ito sa korte kung masusuportahan ng matitibay na ebidensya.

Facebook Comments