Komprehensibong solusyon sa traffic sa Metro Manila, ipinag-utos ni PBBM

Nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na magkaroon ng komprehensibo at holistic approach sa pagtugon ng problema sa traffic.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni National Economic and Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan na ayaw na ng pangulo ng piecemeal approach o paunti-unting pagtugon na siyang nakagawian sa mga nakalipas na taon.

Paliwanag ng kalihim, dapat tingnan ang intermodal system sa pagpaplano ng transport system at kung paano itong epektibong mag-ooperate.


Halimbawa aniya rito ang itinatayong subway, expressways, mga tulay at iba pa na kailangan mapag-aralan nang maigi.

Kabilang din dito ang bike lanes, motorcycle lanes, feeder roads at maging ang lokasyon ng mga industriya at kabahayan.

Sa oras aniya na magka-aberya sa isang sistema ay apektado rin ang kabuuan kaya mainam na maplano ito nang maayos.

Facebook Comments