𝗞𝗢𝗠𝗣𝗥𝗢𝗡𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗞𝗔𝗨𝗚𝗡𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗨𝗦𝗔𝗣𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝟯𝗥𝗗 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗬 𝗦𝗔 𝗥𝗢𝗦𝗔𝗟𝗘𝗦, 𝗡𝗔𝗨𝗪𝗜 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗠𝗔𝗥𝗜𝗟

Nauwi sa pamamaril ang sanay komprontasyon kaugnay sa pagkakaroon ng 3rd party sa bayan ng Rosales.
Ang biktima ay nakilalang si Oliver Casasiempre habang ang suspek ay nakilalang si Mario Ang mga residente ng nasabing bayan.
Naganap ang pamamaril pasado alas dos ng madaling nang magpunta malapit sa bahay ng suspek ang biktima kasama ang isang kaibigan na nakilalang si Jhon Lloyd Micua upang komprontahin sana ang suspek na sinasabing kalaguyo ng kasintahan ni Micua.

Sa takot ay pumasok ng bahay ang suspek at kumuha ng baril at agad na pinaputukan ang dalawa na sa mga sandaling iyon ay sakay pa ng motor.
Nagtamo ng tama ng bala sa tiyan ang biktima na agad naman naisugod sa pagamutan habang naaresto ang suspek matapos ang follow up operation ng PNP sa katabing Barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments