Friday, January 16, 2026

Komunidad ng mga Pinoy sa malalayong lugar sa Israel, pupuntahan na rin ng DMW at Philippine Embassy

 

Pupuntahan na rin ng Philippine Embassy at Department of Migrant Workers-Overseas Workers Welfare Administration (DMW-OWWA) Team ang mga Pilipino sa Israel na nakatira sa malalayong lugar.

Layon nito na alamin ang kanilang kalagayan sa harap ng tensyon sa seguridad doon.

Kaugnay nito, magde-deploy ng dagdag na service vehicle ang DMW-OWWA Team at ang Embahada.

Ito ay para anila mapaglingkuran at mahatiran ng serbisyo ang mga Pinoy sa Israel.

Facebook Comments