Kondisyon ng mga powerplant sa Batangas, maayos pa rin sa kabila ng nangyaring 6.3 na lindol sa Nasugbu noong Biyernes

36

Batangas – Maayos ang kondisyon at normal ang operasyon ng mga powerplant sa Batangas kabilang na ang Malampaya powerplant.

Ito ang tiniyak ng Department of Energy sa kabila ng pagtama ng magnitude 6.3 na lindol sa Nasugbu, Batangas noong Biyernes.

Dagdag pa ng DOE, hindi rin napinsala ng pagyanig ang mga linya ng kuryente kaya walang inaasahang power interruption na magaganap sa Metro Manila at Calabarzon.

Pinababantayan naman ni DOE Secretary Alfonso Cusi sa National Grid Corporation of the Philippines ang mga power facilities mula sa posibleng pinsala.

Facebook Comments