
Bahagyang bumubuti na ang lagay ni dating Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.
Sa ngayon ay nananatili sa Philippine General Hospital si Teves na inoperahan noong nakaraang linggo.
Ayon sa abogado nitong si Atty. Ferdinand Topacio, nakakakain na rin si Teves ng soft foods.
Sa kabila niyan, hindi pa rin aniya nawawala ang nararamdamang sakit ni Teves kaya patuloy itong binabantayan at sumasailalim pa rin sa gamutan.
Inaasahan namang magtutuloy-tuloy na ang pagaling ng dating kongresista.
Samantala, sinabi ni Topacio na humiling na rin sila sa korte na ipagpaliban muna ang mga nakatakdang hearing nito.
Nahaharap ang dating kongresista sa patung-patong na kaso matapos iturong utak sa pagpaslang kay dating Governor Roel Degamo at ilan pang indibidwal noong 2023.









