Kondisyon ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada, patuloy sa pagbuti

Patuloy na bumubuti ang kalagayan ni dating Pangulong Joseph “Erap” Ejercito Estrada.

Sa interview ng RMN Manila sa anak nito na si dating Senador Jinggoy Estrada, sinabi nito na patuloy sa pagganda ang kondisyon ng dating Pangulong Erap kung saan nananatiling normal ang vital signs nito.

Ayon kay Jinggoy, batay sa abiso ng kanyang mga doktor, nasa 40% oxygen level na lang ang kinakailangan ng kanyang ama at sakaling maabot niya ang 30% oxygen level ay maaari na siyang tanggalan ng mechanical ventilation.


March 29, 2021 nang isugod sa ospital nila Jinggoy ang dating pangulo matapos na magpositibo sa COVID-19 at magkaroon ng pneumonia.

Samantala, inihayag din ng dating senador na negatibo na siya sa COVID-19 at tinatapos na lamang ang kanyang quarantine.

Facebook Comments