Kondisyon sa sertipikasyon ng Pangulo sa Senate Bill 1945, pinuna ng mga senador

Pinuna ng mga senador ang kondisyong kaakibat ng sertipikasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na humihikayat sa Senado na ipasa na ang Senate Bill 1945 o panukalang mag-aamyenda at magpapalakas sa Anti-Money Laundering Act.

Kasama sa mga kondisyong nakasaad sa sertipikasyon ang pagbaba sa threshold ng tax crimes sa ₱20 milyon at pananatili ng reporting sa threshold ukol sa real state transactions.

Kabilang din dito ang pagbibigay ng dagdag na investigative powers sa Anti Money Laundering Council.


Ayon kay Senator Grace Poe, na siyang nagdedepensa sa panukala, ngayon lang sya nakakita ng sertipikasyon na may kondisyon na tila idinidikta ng Palasyo kung ano dapat ang mga probisyon na dapat nilang ipasa.

Unang pagkakataon din ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na nakakita ng certification na may lamang kondisyon at posibleng ammendments sa panukalang batas.

Maging si Senate President Tito Sotto III ay nagsabing ngayon lang din sya nakakita ng sertipikasyon kung saan nakasulat mismo ang mga hiling ng Ehekutibo para sa panukala na maituturing na paglabag sa separation of powers.

Facebook Comments