Kondoktor ng Ceres Bus, binaril

14

Culasi, Antique – Tama ng bala sa kaliwang mukha at kanang likod ang tinamo ng isang kondoktor ng Ceres Bus matapos pagbabarilin kaninang bandang ala 5:30 ng umaga sa terminal sa Brgy. Centro, Poblacion, Culasi, Antique.
Ang biktima ay kinilala kay Elboy Cabugnason Zamora, 24-anyos, at residente ng Hinubaan, Negros Occidental.
Sa report ng Culasi PNP, lumalabas sa kanilang imbestigasyon na nangyari ang pamamaril sa biktima habang ito’y naka upo sa terminal ng hindi pa nakikilalang suspek.
Matapos ang pamamaril ay agad na dinala ang biktima sa Culasi District Hospital na sa ngayon ay nasa stable ng kondisyon habang ang suspek ay mabilis na tumakas sa hindi pa alam na direksyon.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Culasi PNP at nananawagan rin sila sa koordinasyon ng mga tao sa lugar na nakakita para sa mabilis na mabigyan ng hustisya ang biktima.

Facebook Comments