Natukoy na ng Land Transportation Office Region 1 ang pagkakakilanlan ng konduktor ng bus na nagviral sa social media matapos iupload ang video nito online dahil sa sobrang paniningil ng pamasahe.
Sa anunsyo ng tanggapan, maaaring mapatawan ng administrative penalty ang konduktor at bus operator dahil sa reklamo matapos isyuhan ng show cause order mula sa LTFRB Region 1.
Ayon sa video, tumanggi umanong magbigay ng discount ang konduktor sa pasahero at bigo pang ibalik ang sukli nito.
Kinatigan naman ng ilang netizens ang naging pasya ng tanggapan bilang paalala umano sa mga PUV drivers at operators sa pagtalima sa regulasyon.
Nakatakda sa Certificate of Public Convenience mula sa LTFRB ang pagbibigay diskwento sa estudyante, senior citizens at Persons with Disabilities.
Samantala, panawagan naman ng LTO ang paggamit sa mga opisyal na hotline at contact number ng tanggapan upang maiparating ang reklamo. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









