Konduktor ng bus, patay habang 11 ang sugatan sa banggaan ng truck at bus sa Taguig City

Patay ang konduktor habang labing isa ang sugatan sa nanganap na salpukan ng bus at truck sa kahabaan ng C5 Road sa Taguig City.

Bandang alas-4:30 ng madaling araw nang mangyari ang insidente habang binabagtas ng truck na may dalang buhangin ang kalsada sa may heritage park ay sumalpok ang bus ng JAC Liner dahil sa mabilis na pagpapatakbo nito.

Wasak ang unahan ng bus, at tumba ang truck, patuloy naman na hinahakot ng mga awtoridad ang buhangin dahil na rin sa nakaharang ito sa may kalsada.


Samantala, inaalam pa ang kalagayan ng 11 sugatan na pasahero kabilang na ung driver ng bus at ng truck dahil sa nangyaring aksidente, patuloy naman ang imbestigasyon ng kapulisan kung ano pinagmulan ng nasabing insidente.

Pinayuhan naman ang mga motorista na humanap ng ibang rutang daraanan dahil sa traffic na dulot ng aksidente.

Facebook Comments