Koneksiyon ni DOJ Usec. Cadiz sa isang contractor, iimbestigahan ng Ombdusman

Iimbestigahan na rin ng Office of the Ombudsman ang sinasabing koneksiyon ni dating Department of Justice (DOJ) Usec. Jose Cadiz Jr. sa isang contractor.

Ayon kay Assistant Ombudsman Mico Clavano, mayroong fact finding body na tututok sa isasagawang imbestigasyon.

Aniya, lahat ng ebidensiyang isusumite sa kanila ay gagamitin at bubusisiin para sa imbestigasyon.

Una nang lumabas sa mga balitang mayroong construction company na incorporated noong 2023 sa anak ni Cadiz na nakapagbulsa ng nasa ₱250 million na halaga ng proyekto sa Ilocos Norte.

Facebook Comments