Koneksyon ng iligal na droga at terorismo, unti-unti nang lumalabas ayon sa Malacañang

84

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na unti-unti nang nakikita ng mga otoridad ang koneksyon ng operayon ng iligal na Droga at Terorismo sa bansa.
Ito ang sinabi ng Malacañang matapos makarekober ang mga otoridad ng 10milyong piso sa bahay ni dating Marawi City Mayor Omar Solitario Ali.
Ayon kay Presidential Spokesman Enresto Abella, isa si Ali sa mga pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Duterte na kabilang sa illegal Drug Trade.
Kabilang din aniya si Ali sa arrest order na inilabas ng Department of National Defense kaugnay sa Marawi Rebellion.
Umaasa aniya sila na ito ang magiging tulay para maiugnay ang terorismo sa operasyon ng iligal na droga.

Facebook Comments