Koneksyon ng Internet sa Lungsod ng Cauayan, Palalakasin pa!

*Cauayan City, Isabela- *Plano ng dalawang Telecommunication company na itaas pa ang koneksyon sa internet sa Lungsod ng Cauayan upang lalong mapalakas at tuloy-tuloy ang koneksyon ng mga Cauayeño gamit ang kani-kanilang mga devices.

Kasabay ito ng ginawang pagpupulong ng ilang mga opisyal ng Lungsod sa pangunguna ni City Mayor Bernard Dy sa dalawang Telecommunication Company.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Councilor Paul Vincent Mauricio, Chairman ng Committee on Smarter and Sustainable City, natutuwa aniya ang kanilang dalawang katuwang na pribadong kumpanya na tumutulong sa pagiging Smarter City ng Lungsod.


Kaugnay nito, nangako naman ang nasabing kumpanya na gagawing 5G to 10G ang internet connectivity sa Lungsod na karaniwang 3G lang.

Ito ay libreng ipagkakaloob ng kumpanya bilang suporta na rin sa Lungsod ng Cauayan.

Inaasahan naman na bibisita anumang araw ang dalawang kumpanya sa Lungsod upang pag-usapan ang pinal na desisyon sa paglalagay ng mas mataas na internet connection.

Facebook Comments