Koneksyon ni First Lady Liza Marcos sa bagman na dawit sa flood control scam, binasura ng Malacañang

Minaliit ng Malacañang ang liham ng isang pribadong indibidwal na si John Santander, na humihiling sa Independent Commission for Infrastructure (ICI) na imbestigahan umano ang kaugnayan ni First Lady Liza Araneta Marcos kay Maynard Ngu, na sangkot ngayon sa maanomalyang flood control projects.

Ayon kay Palace Press Officer at Presidential Communications Office (PCO) Usec. Atty. Claire Castro, walang basehan at pawang hearsay lamang ang nilalaman ng liham ni Santander.

Tinawag pa ni Castro si Santander na parang “nuisance candidate na binigyan lang ng pamasahe at pambili ng suka” sabay padala ng liham

Giit pa ni Castro, hindi na papatulan ng First Lady ang isyu dahil wala itong batayan at mistulang fishing expedition lamang umano ang layunin ng nagsumite.

Nilinaw din ng Palasyo na hindi na konektado sa gobyerno si Maynard Ngu, dahil natapos na ang kanyang anim na buwang termino bilang special envoy for trade, investments, and tourism for China noong Agosto at hindi na ito ni-renew.

Facebook Comments