Konektadong Pinoy Act, game changer para sa mga Pilipino; internet services at digital access, inaasahang mapapalakas

Maituturing na “game changer” para sa digital inclusion ng lahat ng mga Pilipino kabilang ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang “Konektadong Pinoy Act” na isa nang ganap na batas.

Ikinalugod ni Senator Alan Peter Cayetano ang otomatikong pagiging batas nito makaraang mag “lapse into law” at ito aniya ay “good news” para sa pagpapaunlad ng digital access sa Pilipinas.

Layunin ng batas na ito na i-modernisa ang ating digital infrastructure upang ang lahat ng mga Pilipino ay matiyak na may access at makakagamit ng abot-kaya, de kalidad at up-to-date na “information and communication technologies”.

Padadaliin din ang pagpasok ng mga bagong internet service providers sa bansa para sumigla ang kompetisyon gayundin ay mas dumami at bumaba ang presyo ng internet services.

Itinatakda rin ng batas ang pangangalaga sa karapatan ng mga users sa pamamagitan ng pagtiyak ng minimum na standards para maprotektahan ang mga consumers.

Facebook Comments