
Sinertipikahan bilang urgent bill ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Senate Bill No. 2699, o ang panukala para sa Comprehensive and Inclusive Data Connectivity and Transmission Framework o mas kilala bilang Konektadong Pinoy Act.
Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office (PCO) acting Secretary Cesar Chavez.
Layon ng panukalang ito na alalayan at pabilisin pa ang development ng matatag na communication infrastructure.
Isinusulong din nito ang isang innovative at competitive na data transmission industry, na sisiguro na interes ng publiko, magsusulong ng patas na kompetisyon, at manghahatak ng pamumuhunan sa critical digital networks.
Daan din ang panukala para magkaroon ang gobyerno ng mga kinakailangang kagamitan, para mapanatili ang mahahalagang communication channels at upang epektibong makatugon sa emergency situations.