Kongkreto at bakal ng Chuzon Supermarket, sasailalim sa pagsusuri

Kumuha na ang mga awtoridad ng sample ng kongreto at bakal ng gumuhong Chuzon Supermarket sa Porac, Pampanga.

Ayon kay Pampanga Police Director Colonel Jean Fajardo, sasailalim ang mga sample sa pagsusuri para malaman kung sub-standard na materyales ang ginamit sa gusali.

Iniimbestigahan na rin aniya nila ang business permit ng nasabing supermarket.


Kasabay nito, nilinaw naman ni Fajardo na wala sa kustodiya nila ang may-ari ng Chuzon Supermarket na si Samuel Chu dahil hindi pa ito nasasampahan ng kaso.

Facebook Comments