Kongresista, agad na pinaaaksyunan sa bagong PNP Chief ang rollout ng body cameras sa hanay ng mga pulis

Iminungkahi ngayon ni Deputy Speaker Bernadette Herrera sa bagong talagang Philippine National Police (PNP) Chief na si General Guillermo Eleazar na agad i-update ang publiko sa rollout ng mga body camera.

Ayon sa kongresista, ang pag-oobliga sa mga pulis na magsuot ng body cameras sa kanilang mga operasyon ay long-overdue na.

Napapanahon na rin aniya para bigyan ang mga Pilipino ng nararapat na technology-updated na law enforcement na magsisilbi ring proteksyon sa kanilang sibil na karapatan.


Para kay Herrera, ito ang magandang simula na maaaring gawin ni Gen. Eleazar sa PNP dahil nalugmok nang husto ang tiwala ng publiko sa mga pulis matapos na ilan sa mga police officers ay nasangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao.

Naniniwala si Herrera na ang mandatory na pagsusuot ng body cameras ng mga police officers ang isa sa paraan para maibalik ang public trust sa PNP.

Facebook Comments