Kongresista, binalaan ang mga lalabag sa protocols sa paggamit ng vaccination cards

Pinaalalahanan ni Rizal Representative Fidel Nograles ang publiko na mahigpit na sumunod sa protocols lalo na ang patakaran sa vaccination cards.

Babala ng mambabatas na isa ring abogado, may katapat na karampatang parusa ang mga mamemeke ng vaccination cards para lamang makakuha ng mga pribilehiyo.

Maikukunsidera aniya itong “falsification of public documents” na dapat lamang parusahan sa ilalim ng batas.


Para maiwasan ang paglabag sa paggamit ng vaccination cards o passports, kailangang tiyakin ng pamahalaan at LGUs na walang mamemeke ng vaccine cards sa pamamagitan ng palagiang pagpapaalala sa mamamayan na ang falsification o pagpeke ng vaccination cards ay nangangahulugan ng pagkabilanggo at malaking multa.

Umaasa naman si Nograles na maikukunsidera rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ma-exempt sa curfew at mapayagan sa iba pang physical activity ang mga “fully vaccinated persons”.

Facebook Comments