Manila, Philippines – Dismayado si Magdalo Rep. Gary Alejano na naging sunud-sunuran ang mga heads of state kay Pangulong Duterte sa kakatapos na 31st ASEAN Summit.
Ayon kay Alejano, nakaka-frustrate umano na mas pinili ng mga leaders na manahimik nang minsang tangkain na pagusapan ang extra judicial killings dahil nagiging sensitibo ang Pangulo nang minsan itong mabanggit.
Bagamat may binuong Code of Conduct sa South China Sea sa mga bansang may isyu ng agawan ng teritoryo sa South China Sea, sinunod din ng mga bansa sa ASEAN na huwag nang pagusapan ang kasalukuyang problema.
Mistulang nakuha na ng China ang loob ng Pilipinas na siyang nagpapahina sa samahan ng ASEAN dahil nakokontrol nito na mahimay ang isyu sa South China Sea.
Buti na lamang din aniya na nariyan sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau at New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern na naglakas loob na talakayin ang EJKs at iba pang isyu sa bansa.