Kongresista, hindi kuntento sa pagresolba ng gobyerno sa EJKat traffic

Manila, Philippines – Nakukulangan ang isang kongresista sa performance ng administrasyon pagdating sa pagresolba sa problema sa Extra Judicial Killings at matinding traffic sa bansa.

Ayon kay Kabayan Rep. Harry Roque, nababagalan siya sa itinatakbo ng imbestigasyon sa mga kaso ng pagpatay sa bansa dahil wala pang napapanagot o nakukulong man lamang ang mga tunay na salarin.

Matapos na maupo sa pwesto ay nananatili pa ring sakit ng ulo ang trapiko sa mga motorista.


Dahil dito, hinamon ni Roque ang Presidente na magpakita na rin ng tapang sa pagresolba sa mga nabanggit na problema sa bansa tulad ng ipinakita nitong tapang sa paglaban sa iligal na droga.

Sa kabilang banda ay binigyan pa rin nito ng mataas na grado ang Pangulo para sa unang taon ng panunungkulan.

1.75 o 85% na grado ang ibinigay nito sa Pangulo dahil naging matagumpay ang kampanya kontra iligal na droga at nanatiling malakas ang ekonomiya ng bansa.

Facebook Comments