Kongresista, hinikayat ang Pangulong Duterte na isalba ang buhay ng pinay na nahaharap sa death row sa Middle East

20

Manila, Philippines – Umapela ang Gabriela sa Kamara kayPangulong Duterte na gumawa ng paraan para maisalba ang buhay ng Pilipinangnahaharap sa parusang kamatayan sa United Arab Emirates.
  Si Pangulong Duterte ay nasa gitnang silangan para sakanyang state visit sa Bahrain, Saudi Arabia at Qatar.
  Hinihimok nila Gabriela Reps. Emmi de Jesus at ArleneBrosas ang Pangulo na ibuhos lahat ng makakaya para makipagugnayan sa UAE atmailigtas sa death row ang OFW na si Jennifer Dalquez.
  Bagamat hindi kasama sa official itinerary ng Pangulo, umaasaang mga lady solons na mabibigyang panahon ni Duterte na maisingit sa kanyangschedule at mabisita ang UAE at makipagdayalogo sana ito sa mga otoridad doonpara mailigtas ang buhay ng kababayan.
  Nauna dito ay nakapaghain na rin ang Gabriela ng HouseResolution 829 na naglalayon para mabigyan ng executive clemency si Dalquez atng iba pang mga Pinay sa abroad na nakakaranas ng pangaabuso.
  Si Dalquez na iniligtas ang sarili sa pagtatangka ngemployer na gahasain ito ay nahatulan ng parusang kamatayan sa UAE mataposmapatay nito ang kanyang amo noong 2014.
 

Facebook Comments