Kongresista, hinikayat ang publiko na tangkilikin ngayong may pandemic ang mga maliliit na negosyo

Hinihimok ni Committee on Trade and Industry Vice Chair at Las Piñas Representative Camille Villar ang mga mamimili na tangkilikin at suportahan ang mga maliliit na negosyo ngayong may pandemic.

Ang panawagan ay kasunod ng pagsulputan ng mga small businesses at paggamit ng online sa pag-aalok ng kanilang mga tindang produkto para lamang maka-survive sa araw-araw.

Ayon kay Villar, dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) at sa implementasyon ng community quarantine ay bumagsak ang consumer at business spending na nakaapekto sa mga maliliit na negosyo.


Malaki aniya ang maitutulong sa mga negosyante ngayong COVID-19 pandemic kung ang mga Filipino consumers ay bibili ng local products mula sa mga maliliit na negosyo.

Kasabay nito ang muling panawagan ng mambabatas na simplehan ang proseso ng pagpapautang sa mga Micro Small and Medium Enterprises (MSMEs) upang makabangon sa epekto ng krisis.

Facebook Comments